DOTr, kinukwestyon sa hindi pa tuluyang pagsuspinde sa kontrata ng MRT3 sa BURI

Manila, Philippines – Kinukwestyon ngayon ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ang Department of Transportation (DOTr) kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring pormal na suspensyon na ipinatutupad sa kontrata ng Busan Universal Rail Inc. o BURI sa MRT3.

Ito ay dahil tanging notice of termination lamang sa maintenance contract ng BURI sa MRT ang inilabas ng DOTr at hindi pa rin ito nate-take over o nakukuha ng pamahalaan.

Partikular na binabakbakan ni Nograles si DOTr Sec. Arthur Tugade na siyang dapat na agad-agad ay nagpatupad ng termination sa kontrata.


Ayon kay Nograles, dahil walang prmal na suspensyon sa BURI ay patuloy pa rin itong may access sa pasilidad at sa equipment ng MRT3.

Posible aniyang maging daan pa ito sa ilang pananabotahe tulad na lamang ng diaper na natagpuan sa may kable ng MRT sa pagitan ng Ayala at Buendia station na nagpadiskaril sa byahe ng tren.

Sinabi ni Nograles na alam niyang may ligal na proseso na dapat sundin pero maaari namang suspendihin ang kontrata habang gumugulong ang imbestigasyon dito.

Facebook Comments