DOTr, maglalabas ng guidelines hinggil sa paggamit ng electric scooters

Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng guidelines hinggil sa paggamit ng electric scooters kasunod ng tumataas na demand nito ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante, sa ilalabas na guidelines ng DOTr, tanging ang mga may driver’s license lamang ang papayagang gumamit ng electric scooters.

Sa ngayon, hinihintay na lang aniya nila ang pag-apruba dito ni DOTr Secretary Arthur Tugade.


Nabatid na naglalaro sa P15,000 hanggang P25,000 ang presyo ng isang electric scooters.

Facebook Comments