Mananatili pa rin ang mga pampublikong transportasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula bukas, Marso 29.
Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ianunsiyo ang pagpapatupad ng pinakamahigpit na quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ayon kay Roque, patuloy pa ring mag-ooperate sa limited capacity ang mga public transport at kinakailangang sumunod sa ibibigay na guidelines ng Department of Transportation (DOTr).
Kaugnay nito, papayagan pa rin ang pagbiyahe ng mga domestic at international flights pero para lamang sa mga essential travel.
Samantala ayon kay DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, sa ngayon ay inaayos pa ng ahensiya ang kanilang official guidelines para sa pagsisimula ng ECQ bukas.