DOTr, magpapalabas ng mga karagdagang Government vehicles sakaling magdesisyon ang IATF na unti-unting ibabalik ang operasyon ng pampublikong sasakyan

Tiniyak  ng pamunuan ng  Department of Transportation (DOTr) na magdadagdag sila ng karagdagang mga Government vehicles sakaling mayroong maraming mga maistranded kung sakaling magdesisyon ang Inter Agency Task Force na unti uning ibabalik ang operasyon ng pampublikong sasakyan sa Kalakhang Maynila.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, 30 porsyento lang ng mga Pampublikong sasakyan  ang papayagang magbalik operasyon sakaling magpatupad nga ng  Modified Ehanced Community Quarantine (ECQ) ang Pamahalaan.

Paliwanag ng Kalihim tanging ang mga Bus at Tren lamang ang posibleng payagan ng DOTr upang serbisyuhan ang mga bibigyang pahintulot na lumabas sa lansangan.


Giit ni Tugade mahigpit din umanong ipatutupad ang social distancing sa mga Bus at Tren para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Facebook Comments