Mahigpit ang paalala ng Department of Transportation (DOTr) sa mga drayber ng pribado o pampublikong sasakyan na tiyaking nakakondisyon ang katawan bago magmaneho.
Ito ay upang maiwasang makatulog na sa isang pikit lang ay posibleng disgrasya ang kahihitnan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Command and Control Operation Center Chief Charlie del Rosario na kung nakakaramdam ng antok ay huminto sa pagmamaneho at umidlip.
Payo rin ni Del Rosario sa mga nagmamaneho ay i-check din ang kondisyon ng sasakyan.
Ang mahigpit na paalaa na ito ng DOTr ay dahil sa ilang naitalang aksidente sa daan nitong mga nakaraang araw na nagresulta sa pagkasawi ng mga sakay.
Facebook Comments