DOTr, makikipagtulugan sa COA kaugnay sa imbestigasyon ng maanomalyang MRT contract noong nakaraang administrasyon

61

Manila, Philippines – Tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) ang kooperasyon nito sa imbestigasyon ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga maanumalyang MRT contract na pinasok noong nakaraang administrasyon.

Isinumite na kahapon ng ahensya ang lahat ng dokumentong hinihingi ng COA.

Partikular na bubusisihin ng COA ang maintenance service contract ng DOTr sa ph trams cbnt noong october 2012, kung saan napagkasunduan ang pagbabayad ng ahensya sa kumpanya ng 1.15 milyon us dollars kada buwan.


Sisilipin din ng COA ang milyun-milyong halaga ng kontrata sa APT Global at Global Epcom Services Incorporated.

Target na matapos ng COA ang imbestigasyon at makapagpalabas ng report sa loob ng 60 araw.

Facebook Comments