DOTr, may bago na namang pangako sa publiko sa harap ng pagputol sa maintenance provider ng MRT 3

Manila, Philippines – Nagbitaw na naman ng pangako sa riding public ang Dept. of Transportation sa harap ng pagpapalit ng maintenance provider sa MRT line 3.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez,may nakahanda silang contingency plan sakaling magka-aberya ang mga bagon ng MRT habang wala pang bagong maintenance provider.

Tiniyak din ng opisyal na lahat ng bidding sa kanilang mga kontrata ay isasapubliko sa pamamagitan ng livestream


Sa ganitong paraan aniya, makikita ng publiko kung sinu sino ang mga kalahok sa bidding.

Una nang kinansela ng Transportation Department ang kontrata nito sa maintenance provider na Busan Universal Rail Inc.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments