DOTr, may banta sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan na babiyahe sa GCQ

Iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mananagot sa batas ang lalabag sa kanilang panuntunan para sa mga operator at driver na babiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.

Ayon kay Tugade mapaparusahan at magmumulta ang lahat ng may-ari ng pribadong sasakyan, mga drayber at operator gayundin ang mga terminal operator na lalabag sa pamantayan ng Department of Transportation o DOTr.

Magsasagawa anya araw-araw ng biglaang inspeksyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) at ang mga autorisadong personnel ng IATF sa mga terminal at depo para masigurong sumusunod sila sa mga protocol sa social distancing at sanitation.


Nauna rito, naglabas ang DOTr ng panuntunan na susundin ng mga driver at operator na may babiyahe sa ilang lugar ng bansa na idineklarang under GCQ.

Facebook Comments