Matapos ang nangyaring air traffic system glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong January 1.
Utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Transportation (DOTr) na bilisan ang arrangement o pakikipag-kasundo sa maintenance provider na Sumitomo-Thales upang mas modernize na ang aviation safety system ng Pilipinas.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi nitong kinausap siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at hiningian ng update sa naganap na NAIA systems glitch noong January 1.
Nagbigay aniya ang kanyang team ng rekomendasyon sa pangulo para mas mapaganda pa ang aviation safety system ng bansa.
Sinabi pa ni Bautista, alam ng pangulo ang nangyayari at suportado niya ang rekomendasyon ng DOTr na ipatutupad sa mga susunod na panahon para sa improvement ng air traffic management system.
Kabilang aniya ito ang hardware at software maintenance.