DOTr, may paliwanag kung bakit isinama sa plunder case ang mga dating kasapi ng gabinste ni dating pangulong Noynoy Aquino

Manila, Philippines – Ang pagiging miyembro ng Government Procurement Policy Board ang pangunahing dahilan kung bakit isinamang kinasuhan ng plunder sa Ombudsman ang mga dating gabinete ng Aquino administration na sina dating DILG Secretary Mar Roxas, dating DBM Secretary Florencio Abad, Department of Finance Secretary Cesar Purisima,dating Department of Energy Secretary Jericho Petilla, Dating DOST Mario Montejo, DND Secretary Voltaire Gazmin, dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Dating NEDA Secretary Arsenio Balicasan.

Ayon kay Usec. Reinier Paul Yebra, bilang miyembro ng GPPB, nagpabaya ang mga akusado nang itinuloy pa rin nilang ini award sa Busan Universal Rail Inc o Buri ang maintenance contract kahit pa nakita na nilang may iregularidad sa kontrata partikular ang kawalan ng financial capability at technical expertise ng BURI.

Kabilang sa sinampahan ng plunder ay sina si dating DOTC Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, mga dating Usec. Edwin Lopez, Usec. Rene Limcaoco, Usec. Catherine Gonzales, dating MRT-3 GM Roman Buenafe, nga dating Bids and Awards Committee Officials gayundin ang mga BURI officials.


Ang mga complainants sa panig ng DOTr ay sina Usec. Reinier Paul Yebra, Asec Giovanni Lopez ng legal affairs and procurement Asec. Steve Pastor ng legal affairs.

Facebook Comments