DOTr, muling ininspeksyon ang Amandayehan Port at Tacloban Airport

Muling binisita ng Department of Transportation (DOTr) ang Amandayehan Port sa Basey, Samar.

Ito ay upang alamin at tingnan ang iba pang mga ruta na maaaring gamitin ng mga may dalang pangunahing produkto na tatawid sa mga lalawigan ng Samar at Leyte habang isinasailalim sa pagkukumpuni ang San Juanico Bridge.

Nais tiyakin ng DOTr na maihahatid ng walang patid ang mga pangunahing produkto gaya ng pagkain at krudo sa mga nabanggit na lalawigan.

Sunod na muling binisita ng DOTr ang Tacloban Airport upang inspeksyunin ang construction ng new passenger terminal building.

Inaasahan na matatapos ang construction nito sa Abril ng susunod na taon.

Malaki ang tulong ng upgrade na ito upang madagdagan ang kapasidad ng airport na na aabot sa 1,000 pasahero, bukod pa sa mga control facilities ng para sa mga flights na pwedeng ilagay sa bagong gusali.

Facebook Comments