DOTr, nag-deploy ng mga bus na may left-side doors

Nag-deploy ang Department of Transportation (DOTr) ng Public Utility Buses (PUBs) kung saan ang passenger doors nito ay nasa kaliwang bahagi.

Layunin nitong maging akma at naaayon sa EDSA Bus Lane.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Steve Pastor, nagsimula silang mag-deploy ng apat na bus.


Batay sa international practice, nasa kaliwang bahagi ang babaan bilang bahagi ng safety measure para sa mga pasahero.

Aniya, isa itong proof of concept na ipinapatupad sa bus operators na bahagi ng EDSA Busway.

Nasa apat na bus na may left-door configuration ang ide-deploy sa susunod na linggo at 15 ang idi-dispatch sa Setyembre.

Paglilinaw ni Pasto na hindi required sa lahat ng bus ang left-side doors dahil pinag-aaralan pa nila kung gagana ito.

Facebook Comments