Namahagi ng isang ambulance ang Department of Transportation (DOTr) sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Muntinlupa.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito ay kanyang personal na tulong sa Muntinlupa City Government bilang bahagi ng kampanya at hakbang ng lungsod kontra COVID-19.
Una nang sinabi ni Tugade na magbibigay siya ng ambulansya sa lungsod noong makipagpulong siya sa mga opisyal ng Muntinlupa bilang katuwang sa paglaban kontra COVID-19.
Matatandaang itinalaga ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga Cabinet member ng Palasyo bilang “big brothers” at “big sisters” sa lahat ng Local Government Units (LGUs) sa National Capital Region upang tulungan sila sa kanilang mga COVID-19 responses kung saan si Tugade ay naitalaga sa Lungsod ng Muntinlupa.