Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko laban sa ilang indibidwal na nanonolicit para umano sa mga apektadong residente ng bulkang Mayon.
Nakatanggap kasi ng ulat ang DOTR na isang lalaki na nagpapanggap bilang Sec. Arthur Tugade ang tumawag sa Area 8 ng Office of the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Tacloban at tinatanong ang ilang airport projects sa nasabing lugar.
Hinihingi din umano nito ang pangalan ng project contractors at sinabing manonolicit sya ng P1M bilang ayuda sa mga apektadong residente sa Albay.
Sa ngayon iniimbestigahan na ang nasabing insidente.
Kasunod nito, ibinabala ng dotr na wala itong binibigyang otorisasyon sa sinumang grupo o indibidwal para kumalap ng pondo para sa mga calamity-stricken areas