DOTr, nagbabala sa publiko laban sa mga online fixer na nag-aalok ng serbisyo para makakuha ng driver’s license

Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na mag-ingat sa mga nag-aalok ng serbisyo online at nangangakong makakuha ng lisensya nang hindi dumadaan sa tamang proseso.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nakarating sa kanilang kaalaman na pinapaniwala ng mga scammer ang kanilang target na biktimahin na hindi na nila kailangang mag-exam, magsumite ng mga requirement, o ng personal appearance.

Kapalit naman nito ay nanghihingi ang mga scammer ng mataas na halaga.


Ani Tugade, huwag kumagat sa ganitong modus dahil tiyak na peke ang mga lisensyang ito.

Inatasan na ni Tugade ang Land Transportation Office (LTO) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon tungkol dito sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng kapulisan at papanagutin sa batas ang mga nasa likod nito.

Facebook Comments