DOTr, nagbanta ng crackdown operation laban sa pumapasadang jeep na walang prangkisa

Magsisimula na ang Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng crackdown operation laban sa mga jeep na walang prangkisa o expired na ang prangkisa.

Ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista, partikular na tatamaan nito ang jeepney operators na tumanggi sa consolidation dahil maituturing na aniyang revoked ang prangkisa ng mga ito.

Aniya, karamihan sa mga walang prangkisa ay ang mga lumang jeep.


Iginiit din ng kalihim na mayorya sa PUV operators at drivers ay sumusuporta sa programa, maliban sa grupong Manibela na muling nagsasagawa ng transport strike.

Sa kabila nito, iginiit ni Bautista na wala nang epekto ang mga tigil-pasada at hindi nito napaparalisa ang publiko.

Facebook Comments