DOTr, nagbigay ng 3 calendar days para sa pagsusumite ng lahat ng position papers para sa taas-pasahe sa LRT at MRT

Nagbigay ang Department of Transportation (DOTr) ng 3 calendar days para sa pagsusumite ng lahat ng position papers kaugnay ng planong pagtaas sa pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT).

Ang isusumiteng position papers ay dadaan sa Rail Regulatory Unit.

Sa ginanap na public hearing ng DOTr kanina, tiniyak ng pamunuan ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 ang mas maayos na serbisyo sakaling matuloy ang fare increase.


Kabilang sa dumalo sa pagdinig ang sectoral groups at stakeholders na nagbigay ng kani-kanyang opinyon.

Kapag natuloy ang taas-pasahe sa LRT-1 , magiging P17 na ang minimum fare at P44 naman ang maximum fare.

Sa LRT-2 naman ay P35 na ang magiging maximum fare para sa single journey; habang sa MRT-3 ay P17 sa minimum at P34 sa maximum fare.

Facebook Comments