DOTr, naghahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan ngayong holiday season

Naghahanda na ang Department of Transportation (DOTr) sa pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan ngayong holiday season.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasabay ng pagtaas ng arrival capacity ng ilang airports sa bansa.

Ayon kay Transportation Undersecretary Raul Del Rosario, tumaas ang arrival capacity sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa 5,000 kada araw dahil na rin sa kahilingan ng iba’t ibang airlines na magdagdag ng flight.


Ang arrival capacity naman sa Clark International Airport at Mactan-Cebu International Airport ay itinaas sa 2,000 passengers kada araw.

Mayroon ding One-Stop Shop para sa returning OFWs.

Nakikipagtulungan din ang DOTr sa ilang laboratoryo para matiyak na ang RT-PCR results ay mailalabas sa loob lamang ng ilang oras.

Dinagdagan din ang bilang ng chartered flights para isakay ang mga OFWs patungo sa mga probinsya.

Facebook Comments