Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na naghahanda na sila saka sakaling iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbabalik operasyon ng public transportation.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Tugade na sakali mang magkaroon ng pampublikong transportasyon ay magpapatupad sila ng partial mobility.
Ayon kay Sec. Tugade, 30% lamang ng capacity ng LRT, MRT at PNR ang papayagang makabyahe upang mapanatili ang social distancing.
Maliban sa social distancing mayroon pa ring thermal scanning sa mga estasyon ng tren maging sa pila ay papanatilihin din ang physical distancing at ang proper hand hygiene.
Layunin, aniya, nito na iwasan ang pagkalat ng virus pero iginiit ni Tugade na kanila lamang gagawin ang partial mobility kapag inirekumenda ng IATF at kapag may basbas na ni Pangulong Rodrigo Duterte.