DOTr, naghahanda ng magiging depensa sa pagkuwestiyon sa korte ng concession agreement ng NNIC

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na sasagutin nila ang pagkuwestiyon sa korte sa ilang provisions ng concession agreement para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) public-private partnership project.

Partikular ang pagtaas sa ilang fees sa NAIA terminals kabilang na ang parking fee at ang escort service fee.

Ayon kay Transportation Assistant Sec. Jonathan Gesmundo, wala pa silang hawak na kopya ng petisyon pero tiyak aniyang ire-review ito ng kanilang mga abogado.


Sinabi pa ni Gesmundo na masusi rin itong pinag-aaralan ng DOTr para maiwasan ang sub-judice.

Kabilang sa dumulog kahapon sa Manila RTC na petitioners ang Consumers Union-Philippines Inc. lawyers na sina Rodel Taton, Samson Tan, Vanessa Marie Oyos, Janica Tujan, at Clifford Taton.

Facebook Comments