DOTr, naglabas na ng panuntunan sa pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa ilalim ng GCQ

Inilatag na ng pamunuan ng Department of Transportation o DOTr ang mga panuntunan na susundin ng mga public transportation na babiyahe sa mga lugar kung saan ipatutupad ang Genaral Commnuity Quarantine o GCQ.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, susundin ng mga Public Utility Vehicles o PUV at mga Transport Terminal ang mga panuntunan batay sa saftery, capacity at coverage.

Sa safety, nakapaloob dito na ang mga drivers, konduktor, at pasahero ay kailangang nakasuot ng face mask at hand gloves.


Kailangan din panatilihing i-didisinfect ang mga sasakyan at mga terminal.

Sa capacity naman, dapat kalahati lang mula sa normal na bilang ng pasahero ang isasakay ng mga bus at jeep, kabilang na dito ang mga driver at konduktor.

Para naman sa UV Express at Taxi, dapat hanggang dalawang sakay na pasahero bawat hanay, isang passenger lang sa tricycle at bawal parin ang backriding o magangkas ang mga motorsiklo.

Papayagan lang mag byahe ang mga privated vehicles kung ito ay para sa essential purposes batay sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease o IATF-EID.

Sinabi ni Tugade ito ay magsisimulang ipatupad ngayong araw.

Facebook Comments