DOTr, naglatag na ng mga hakbang para sa PUV Modernization Program sa susunod na taon

Naglatag na ng mga hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para tugunan ang epekto ng pagsisimula ng public utility vehicle (PUV) Modernization Program sa Enero.

Ayon kay DOTr Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, naglabas na ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga transport cooperative.

Layon nito na mapunan ng mga kooperatiba ang mga mababakanteng secondary routes.


Magbibigay aniya ng special permit sa mga nag-consolidate para makapagbiyahe sila sa mga rutang tukoy ng LTFRB.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr sa Department of the Interior and Local Government, Metropolitan Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan para maging maayos ang transition sa Enero 1.

Sa ngayon naman aniya, tuloy-tuloy ang dating ng mga transport operator na humahabol para makapag-consolidate o makasama sa kooperatiba.

Facebook Comments