DOTr, nagpaabot ng pasasalamat kay 2GO Group Inc. Chairman of the Board Dennis Uy sa paglibre nito sa upa ng 2 barko para sa quarantine facilities

Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Transportation (DOTr) sa management ng 2GO Group, Inc, lalong-lalo na sa kanilang Chairman of the Board Mr. Dennis Uy, pagpahayag nito sa publiko na hindi na maniningil bayarin sa renta para sa dalawang barko para sa floating quarantine facilities.

Ayon kay Secretary Tugade, welcome development ang naturang hakbang at malaking naiaambag ang negosyanteng si Dennis Uy at namayani ang diwa ng bayanihan spirit kung saan nagtutulungan ang gobyerno at mga pribadong sektor upang labanan ang COVID-19 pandemic.

Paliwanag ng Kalihim ang orihinal na presyo ng renta ng dalawang barko para magtayo ng “quarantine ships” ay ₱120 million nagkaroon ng negosasyon hanggang sa bumaba at umabot sa ₱35 million ang bayad ng renta para sa dalawang barko sa loob ng dalawang buwan.


Matatandaan na sa Laging Handa briefing ay inamin ni Secretary Tugade na hindi libre ang paggamit ng dalawang barko dahil umaabot umano ng ₱35 million ang binabayarang upa ng pamahalaan.

Facebook Comments