
Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) na epektibo na bukas, September 12, ang Libreng Sakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga miyembro at volunteers ng local organizing committee ng Fédération Internationale de Volleyball (FIVB) Volleyball Men’s World Championship.
Tatagal ang naturang libreng sakay sa MRT-3 hanggang Setyembre 28.
Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay sa buong oras ng operasyon ng MRT-3.
Kinakailangan lamang magpakita ang mga miyembro at volunteers ng FIVB team ng valid FIVB accreditation pass.
Ang Libreng Sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at bilang suporta na rin sa mga atleta at sa Pilipinas bilang host ng World Championship ngayong taon.
Facebook Comments









