Patuloy pa rin ang pagdating ng mga biyaherong humahabol para umuwi o bumisita sa Pangasinan, isang araw bago ang bagong taon.
Kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga bakasyonista at biyahero sa lalawigan, nagbigay naman ng paalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga biyaherong magmamaneho sa iba’t-ibang panig sa probinsya at bansa.
Ilan sa kanilang paalala ang napatunayan nang BLOWBAGETS, kung saan hinihikayat nila ang bawat drayber na suriin ang Battery, Lights, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Engine, Tools, at Self, bago bumiyahe.
Ayon pa sa DOTr, siguraduhing huwag magmamaneho ng nakainom, at siguraduhing i-secure ang mga kagamitang maiiwan sa bahay.
Dagdag pa nila, na sa pagdagsa ng mga sasakyan, huwag kalimutang magbaon ng mahabang pasensya sa kalsada. |ifmnews
Facebook Comments