Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista na palaging nakatuon sa kalsada habang nagmamaneho.
Ito ay matapos i-post ng kagawaran sa kanilang Facebook ang video ng isang couple galing sa account na carbrazzer.tv, na tila mas ‘focus’ sa isa’t-isa at tila hindi nakatingin sa dinadaanan habang sila ay nasa biyahe.
Sa post ng DOTr, hindi nila intensyong maging “killjoy” at makasira sa lambingan moments ng couple pero iginiit ng ahensya na dapat maging ligtas sa pagmamaneho.
Dagdag pa ng ahensya, okay lang ang maglambingan pero dapat nasa tama at ligtas na lugar, pagkakataon at pamamaraan.
Paalala pa ng DOTr, sa pagmamaneho, ang driver ay naka-focus dapat sa kalsada at hindi sa katabi.
Hugot line pa ng DOTr: “Minsan, mas okay na bumitaw sa nobya, ‘wag lang sa manibela.’
Sa ngayon, ipinasa na ng DOTr ang video sa Land Transportation Office (LTO) para maimbestigahan at magawan ng karampatang hakbang.