
Nagpadala ang Transportation Department ng engineers na magsasagawa ng assessment sa tulay ng Philippine National Railways (PNR) sa Albay na napinsala ng Super Typhoon Uwan.
Partikular ang PNR bridge na dumudugtong sa San Rafael at Maipon sa Guinobatan, Albay.
Bunga ng naturang pinsala, ang operasyon ng PNR sa pagitan ng Naga at Legazpi ay pansamantalang suspendido.
Tinatayang 400 na pasahero ang naapektuhan ng naturang pinsala.
Inatasan na rin ng Department of Transportation (DOTr) and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magpadala ng public utility vehicles (PUVs) para may masakyan ang mga apektadong pasahero.
Facebook Comments









