Manila, Philippines – Nagpasaklo na ang DOTr sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para isakay ang mga pasaherong apektado ng kakulangan ng tren ng MRT.
Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesman Atty. Aileen Lizada, hiningi pa rin sa kanila ng DOTr ang tulong ng mga bus upang magsilbing ayuda sa mga stranded na pasahero.
Paliwanag ni Lizada hanggang Linggo pa ang nauna nilang usapan ni Usec. Cesar Chavez na magkaroon ng bus ang LTFRB sa mga istasyon ng tren na may mahabang pila.
Samantala, iniulat naman ni Usec Chavez na mayroong 18 tren ang bumibyahe ngayon mula North Edsa station sa QC patungong Taft Avenue station sa Pasay City at vice versa na tumatakbo ng 40 kph.
Pero mas mababa pa rin daw ito kung ikukumpara sa 20 tren na bumibyahe kada peak hours na may bilis na 40 kph.
Sabi ni Chavez, posibleng abutin pa hanggang bukas ang pag-inspeksyon ng DOTr sa mga bagon ng tren na una ng nakitaan ng deperensya sa axle o ehe ng mga gulong na bakal.
Humihingi pa rin ng matinding pang-unawa ang DOTr sa mga apektadong pasahero dulot ng aberyang ito kasabay ng pahayag na nais lamang nilang masiguro ang kaligtasan habang bumibyahe ang mga tren.