DOTr, nagpasalamat sa Metro Pacific Tollways para sa libreng toll sa NLEX connector

Pinasalamatan ng Department of Transporation (DOTr) ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ni Manny V. Pangilinan.

Ito ay matapos ianunsiyo ng MPTC na gawing libre ang toll sa North Luzon Expressway (NLEX) Connector sa pagsisimula ng EDSA Rebuild Project ngayong hunyo.

Nauna nang inanunsiyo ng DOTr na gagawing libre ang toll para sa mga motorista na dadaan sa ilang bahagi ng skyway stage 3 bilang alternatibong ruta habang gumugulong ang construction ng EDSA Rebuild Project at upang makatulong sa pag-decongest ng EDSA sa panahong masimulan na ito

Inaasahan ng DOTr na ang pagkakataong ito ng bayanihan kasama ang pribadong sektor ay magpapagaan sa pasanin ng mga motorista at pasahero habang sumasailalim ang EDSA sa rehabilitasyon.

Facebook Comments