
Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na natanggap na nila ang isinumiteng rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may kaugnayan sa hirit na dagdag-pasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon sa kagawaran, kasalukuyan na itong nire-review ni acting Transportation Sec. Giovanni Lopez.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang DOTr tungkol sa nilalaman ng naturang rekomendasyon.
Bukod sa jeepney fare hike, hinatulan din ni LTFRB Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza ang dagdag pasahe sa mga provincial bus, airport taxis, at Transportation Network Vehicle Service (TNVS).
Matatandaang nagkaroon ng pagpupulong ang LTFRB sa mga operators ng mga pampublikong sasakyang hinggil sa umentong dadag pasahe kasabay ng patuloy na paggalaw ng presyo ng krudo sa merkado.
Samantala, ilang grupo rin ang nananawagan na na maibigay na sana mga driver ng fuel subsidy na hindi na naibigay sa kanila.









