DOTr, nais gawing libre ang toll fee sa bahagi ng NLEX na nagdudulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko

Naglabas na ng show cause order ang Department of Transportation (DOTr) sa NLEX Corporation.

Ito’y matapos ang naging pinsala sa Marilao Interchange Bridge makaraan dumaan ang isang truck na sobra ang taas.

Bukod dito, nag-demand si DOTr Secretary Vince Dizon na gawing libre ang toll fee sa apektadong bahagi ng expressway.


Aniya, halos dalawang oras ang inaabot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Bagama’t inaasahan ng NLEX na matatapos ang pagkukumpuni ng dalawang linggo, ipinag-utos ni Dizon na tapusin at ayusin ito sa loob ng isang linggo lalo na’t maraming motorista ang naabala.

Inatasan din ni Dizon ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng show cause order sa driver at kompaniya na responsable sa insidente.

Facebook Comments