Itinaas na sa heightened alert ang status ng Department of Transportation (DOTr), sectoral offices at attached agencies nito bilang paghahanda sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa muling pagbubukas ng klase ngayong ika-3 ng Hunyo.
Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos: Balik-Eskwela,” inatasan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang mga tanggapan at kaakibat nilang ahensya na siguraduhing maayos at ligtas na biyahe lalo na ng mga mag-aaral at empleyado ng mga paaralan sa darating na pasukan.
Dahil dito, kinakailangang bukas at handang umagapay ang mga Malasakit Help Desk (MHD) sa mga pangunahing transportation hub, partikular ang mga terminal at istasyon ng tren.
Inaatasan din ang mga transport agency na palagiang mag-update sa mga website at social media account kaugnay ng sitwasyon sa mga transportation hub, at tutukan ang mga iuulat ng mga commuter kung saan Nagsimula ang Oplan noong may 27 na tatagal hanggang ika-walo ng Hunyo 2019.