DOtr, nakatutok na sa anggulong pananabotahe ang pagkalas ng bagon ng MRT kahapon

Manila, Philippines – Sinisilip na ngayon ng DOTr ang anggulong pananabotahe sa operasyon ng MRT 3 pagkalas ng isang bagon ng nito kahapon.

Sinabi ni MRT-3 Safety Chief Technician Ruel Jose na imposibleng humiwalay ang coupler kung walang nangyaring human intervention.

Sa initial investigation ng DOTr, lumilitaw na nawawala o tinanggal ang Messma Card ng nakalas na bagon o Light Rail Vehicle #68 na nakakabit sa Train No. 5.


Ang Messma Card ay nagsisilbing black box na nagrerecord ng lahat na applied interventions.

Tinutunton ng DOTr kung sino ang nay motibo sa pagtanggal sa black box at kung sino ang may kapabilidad na gawin ito.

Facebook Comments