Handa ang Department of Transportation o DOTr na ipaliwanag sa mga grupong pangtransportasyon ang mga detalye kaugnay ng Public Utility Vehicle o PUV modernization.
Ito ang inihayag ni Transportation Seretary Jaime Bautista kung saan, hindi nila isasara ang pintuan sa mga transport group lalo’t marami pa rin ang nalilito sa sistema ng gagawing modernisasyon sa kanilang hanay.
Samantala, may paki-usap naman si Bautista sa iba pang mga PUV na hindi kasama sa ikinasang tigil-pasada na huwag samantalahin ang sitwasyon para makapaningil ng mahal sa mga pasahero.
Nakarating kasi sa kalihim ang mga sumbong na may ilang tricycle driver ang naniningil ng napakamahal na pamasahe lalo’t batid naman nilang may ilang naapektuhan ng tigil-pasada.
Facebook Comments