DOTr, nilinaw ang isyu ng umano’y gagawing pagsasapribado ng NAIA

Nagpaliwanag si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kaugnay sa ulat na pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa Malacañang press briefing, ipinaliwanag ni Bautista na walang mangyayaring pagbibigay sa pribadong sektor sa asset ng NAIA at sa halip ay ipauubaya lamang ang pamamahala sa operasyon sa pamamagitan ng concession agreement.

Ayon sa kalihim, ito ay ginagawa na sa dalawang paliparan sa bansa gaya ng sa Cebu na kung saan ay pinapatakbo nito ang operasyon ng GMR Megawide at sa Clark International Airport sa lalawigan ng Pampanga.


Samantala, pinawi naman ni Bautista ang pangamba na baka magkaroon ng pagtaas sa singil sa airfare at iba pang services kung matuloy ang pangangasiwa sa operasyon ng NAIA ng isang private firm.

Sa panel interview kahapon ay nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isang management contract sa pagitan ng pamahalaan at isang private firm na nagpapatakbo ng London Airport ang inihahanda para sa pagpapatakbo ng operasyon sa NAIA.

Facebook Comments