DOTr, nilinaw na hindi pa napapanahon ang panukalang lagyan ng toll sa EDSA

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pa panahon upang ipatupad ang proposed electronic road pricing sa EDSA tuwing rush hour.

Sa interview ng RMN Manila kay DOTr Road Sector Senior Consultant Asec. Alberto “Bert” Suansing, ang paglalagay ng toll sa EDSA ay panukala pa sa panahon ni dating MMDA Chairman Benjamin Abalos noong 2001.

Ayon kay Suansing, layong aniya nitong masolusyunan ang traffic congestion sa EDSA tuwing rush hour o sa mga oras ng 7 a.m. to 10 a.m. at 4 p.m. to 9 p.m.


Pero binigyan diin ni Suansing, na bagamat bukas ang DOTr sa panukala, imposibleng ipatupad ito sa ngayong lalo na’t kailangan munang isaayos ang ating public transport system.

Ang electronic road pricing ay ginagamit ngayon sa Singapore at United Kingdom partikular sa London upang masolusyunan ang problema sa traffic sa kanilang bansa.

Facebook Comments