Nilinaw ng Dept. of Transportation (DOTr) na walang ipinapatupad na taas-pasahe sa mga linya ng tren.
Ito’y matapos tumaas ng 30 Pesos ang halaga ng Beep Card o ang Stored Value Card na ginagamit para makapasok sa LRT-1, LRT-2, at Mrt-3.
Ayon kay DOTr, Officer In Charge, Undersecretary for Railways Junn Magno, dagdag singil lamang ito sa mismong card.
Dagdag pa ni Magno, hindi rito apektado ang mga bumibili ng Single-Journey Beep Card o ang card na may eksaktong pamasahe lang ang babayaran ng mga pasahero.
Handa naman aniya nila itong busisiin kung may nalabag sa Concession Agreement.
Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang dagdag singil sa Beep Card ay naaayon sa Concession Agreement sa pagitan ng DOTr at ng AF Payments Inc. na siyang Concessionaire ng Beep Card.