DOTr officials, pinagre-resign sakaling mabigong solusyunan ang problema sa MRT

Manila, Philippines – Hinamon ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang kasalukuyang mga namamahala sa DOTR na magresign na lamang sakaling mabigong resolbahin ang problema sa MRT3.

Ayon kay Casilao, dapat na tuparin ng DOTr ang kanilang promise at commitment na maaayos ang mga aberya sa MRT-3 sa loob ng anim na buwan.

Pero kapag sa loob ng anim na buwan ay hindi ito nagawa ng leadership ng DOTr sa pangunguna ni Sec. Arthur Tugade ay dapat na mag-alsa balutan na ang mga ito sa ahensya.


Kung maulit ang mga problema sa MRT-3 ay ipaubaya na lamang sa ibang lider na mas competent na pamunuan ang DOTr.

Facebook Comments