Plano ng Department of Transportation (DOTr) na isama sa requirement para sa mga nag-a-apply ng lisensya o prangkisa ang pagtatanim ng puno.
Ang reforestation program ay inirekomenda ng isa sa regional directors ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng malawakang pagbaha sa Cagayan.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, kailangang magtanim ng puno ang mga franchise applicants sa mga lugar na itatalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Local Government Units (LGU).
Makikipag-ugnayan si Tugade kay Environment Secretary Roy Cimatu para tukuyin ang mga lugar na maaaring pagtaniman ng puno.
Nais din ng kalihim nag awing nationwide ang tree-planting requirement.
Bukod dito, iminungkahi rin ni Tugade ang pagsasagawa ng dredging sa Cagayan river.