DOTr, pinaglalatag ng security protocols para hindi na maulit ang “punit passport” sa NAIA

Pinaglalatag ng Senado ng security protocols ang Department of Transportation (DOTr) at mga airport authority matapos ang isyu ng “punit passport” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, seryosong banta sa reputasyon ng Pilipinas bilang tourist destination ang napaulat na “punit passport” modus.

Bukod sa maaari itong magdulot ng takot at anxiety sa mga biyahero, ito ay tahasang pang-aabuso kung hindi masusuri agad at maaari itong magtaboy sa mga turista at maliitin ang ating kumpyansa sa airport systems.

Iginiit ng mambabatas ang pagbuo ng security protocols para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na hindi nakokompromiso ang kaginhawaan at kaluwagan.

Kinalampag din ni Gatchalian ang mga awtoridad na papanagutin ang mga mapapatunayang responsable sa insidente.

Facebook Comments