DOTr, pinagpapaliwanag ang LRMC dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa LRT-1 Baclaran Station

Pinagpapaliwanag ng Department of Transportation (DOTr) ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) dahil sa kawalan ng tubig sa Light Rail Transit o LRT-1 Baclaran Station.

Matapos na bumisita si acting Transportation Secretary Giovanni Lopez at mapag-alaman ng kagawaran na apat na taon nang walang tubig sa mga palikuran.

Maglalabas ang DOTr ng show cause order laban sa LMRC upang marinig ang paliwanag nito sa sitwasyon ng naturang istasyon at bakit napabayaan ito ng matagal.

Samantala, may ipinatutupad umanong modernization program ang LRMC sa mga istasyon ng LRT-1 kabilang dito ang pagsasaayos ng Baclaran Station.

Binigyan ng kalihim ang LRMC ng hanggang December ang pag-aayos at pagkukumpuni ng istasyon kabilang ang pagbabalik ng suplay ng tubig.

Bukod sa suplay ng tubig, nadiskubre din ni Lopez ang kawalan ng pasilidad para sa PWDs at senior citizens, maruruming paligid, at mga saradong walkway.

Facebook Comments