DOTr, pinagsabihan ang bus operators at AF Payments na resolbahin ang refund issue sa Beep Cards

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang EDSA Busway operators at AF Payments Inc. na resolbahin ang isyu ng refund ng pamasahe mula sa paggamit ng Beep Cards.

Nabatid na may ilang pasahero ang nagreklamo dahil sobra ang ipinataw na singil mula sa kanilang pamasahe.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, mahalagang bumuo ng maayos na refund system para sa overcharged Beep cards.


“Hindi ho ba dapat na patakaran lang yan. may kinuha kang amount o nakatanggap ka ng amount na hindi nagamit o maling gamitin kailangang ibalik?” ani Tugade.

Sakali aniyang hindi ito maresolba ng dalawang partido ay dito na papasok ang pamahalaan.

“Ang kontrata, pirmado ‘yan ng service provider tsaka bus operator. Kung kailangan mag-intervene ng gobyerno para ng sa ganon ang proseso maging judicious, equity and fair, papasok ‘yung gobyerno,” paliwanag ni Tugade.

Bago ito, sinuspinde ng DOT rang mandatoryong paggamit ng Beep Cards sa EDSA Busway mula nitong October 5.

Ang AF Payments ay operator ng Beep Cards.

Facebook Comments