DOTr, pinayagan ng magbalik operasyon ang nasa 26 na mga paliparan

Pinayagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang 26 na mga paliparan sa bansa na magbalik sa kanilang operasyon.

Ayon sa DOTr, ito ay matapos makakuha ng clearance sa mga nakasasakop na Local Government Units (LGUs) ang mga ito.

Kabilang na rito ang mga paliparan ng Romblon, Naga, Cauayan, Palanan, Laguindingan, Dipolog, Pagadian, Borongan, Antique, Masbate, Tacloban, Legazpi, Ormoc.


Gayundin ang Catbalogan, San Jose, Catarman, Ozamis, Manila International Aiport, Clark at Mactan-Cebu International Airport.

Sa kabila nito, may ilan pa ring mga paliparan ang humingi ng mga dokumento tulad ng medical certificate habang piling pasahero lamang din ang pinapayagang makasakay ng eroplano.

Facebook Comments