Kung hindi gusto ng mga pribadong motorista sa mabigat na trapiko sa EDSA, pinayuhan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ito na sumakay sa Metro Rail Transit (MRT) line 3 o sa EDSA Busway System.
Ito ang pahayag ng kagawaran sa gitna ng pagtukod ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila mula pa noong Lunes.
Ayon sa DOTr, nakakatulong ang EDSA Busway System at MRT-3 para mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada at mapaayos ang daloy ng trapiko tuwing rush hour.
Anila, humusay na ang operasyon ng MRT-3 kasunod ng malawakang rehabilitasyon nito.
Ang biyahe naman ng mga sumasakay sa EDSA Busway mula Monumento hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ay nasa 45 minuto lamang kumpara sa dating tatlo hanggang apat na oras.
Nasa 300 public utility buses na ang bumibiyahe sa ruta ng Busway.