DOTr, pinoproseso pa ang pondo para sa fuel subsidy ng mga PUV drivers

Hindi pa makapagbigay ng eksaktong petsa ang Department of Transportation (DOTr) sa kung kailan nila maipapamahagi ang fuel subsidy para sa mga driver at operator na apektado ng sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay DOTr Assistant Secretary Steve Pastor, nakikipag-ugnayan pa sila sa Department of Budget and Management hinggil sa paglalabas ng P2.5-bilyong pondo para rito.

Sa ilalim ng programa, mahigit 364,000 na mga tsuper ang makatatanggap ng P6,500 fuel subsidies bawat isa.


Kaugnay naman ng hirit na taas-pasahe ng mga transport group, sinabi ni pastor na nakadepende ito sa desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Pero para sa DOTr, ayaw man nilang ipasa sa publiko ang gastos ay posibleng taas-pasahe ang kanilang maging “last resort.”

Facebook Comments