DOTr, pinulong ang mga kasapi ng MRT Employees Association

Nakipagdayalogo ngayon si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Cesar Chavez sa mga miyembro ng Metro Rail Transit (MRT) Employees Association upang mapabilis at umigsi ang pila ng mga pasahero sa mga MRT Station.

Ayon kay DOTr Usec. Chavez, nasa kanya na ang kopya ng rekomendasyon ni DOTr Secretary Jaime Bautista upang magkaroon ng maayos na serbisyo sa mga mananakay.

Paliwanag ni Chavez na mahalaga na makipagdayalogo sa mga kasapi ng MRT Employees Association upang malaman kung ano ang kanilang mga gagawing hakbang upang mapabilis at maayos ang pila ng mga pasahero ng tren.


Dagdag pa ni Chavez na karaniwan umanong idinadaing ng mga pasahero ang mahabang pila ng mga pasahero na reklamo pero kahit mahaba ang pila sa tren ay sasakay pa rin umano sila dahil sa bukod sa komportable ay mabilis ang biyahe ng tren at madali silang nakararating sa kanilang mga trabaho.

Tinalakay rin ang usapin sa libreng sakay sa mga estudyante hanggang sa buwan ng Nobyembre upang malaking tulong sa mga mag-aaral na papasok sa kani-kanilang mga paaralan.

Facebook Comments