DOTr, pinuri ang Coast Guard team sa pagsagip sa 12 pasahero mula sa tumaob na motorbanca sa Cavite

Pinuri ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsagip nito sa 12 pasahero mula sa isang tumaob na motorbanca sa baybayin ng Sangley Point, Cavite City.

Mula sa 12 pasahero, tatlo ang bata at may isang buntis.

Nagpapasalamat si Transportation Secretary Artur Tugade, sa Coast Guard team sa pagganap sa kanilang tungkulin at responsibilidad para sa mga Pilipino.


Isang blessing aniya na personal na makilala ang mga bayani.

Sinabi naman ni PCG Commandant Admiral George Ursabia Jr. ikinalulugod nila ang pagkilala ng DOTr sa efforts ng kanilang rescue team.

Present sa pulong nina Tugade at Ursabia sina: Lt. Michael John Encina; CPO Francisco Felismino; PO3 Ronel Federico Divinagracia; SN1 Muzar Asa; SN1 Roland Tacal; SN2 Almaajid Sali; SN2 Ryan Hapin; SN2 Michael John Marquez; SN2 Sonny Boy De Mesa; ASN Joshua Ebio; ASN Darwin Abapo; CCGM Ruel Lachica; and Lt. Joe Lester Barrientos.

Sa report, umalis sa Cavite City patungong Pulang Lupa 1, Las Piñas City nang hampasin ng malalaking alon ang kanilang motorbanca dahilan para tumaob ito.

Walang nasaktan sa insidente.

Facebook Comments