DOTr, planong maglagay ng ‘designated bus lanes’ sa Commonwealth Avenue at ibang syudad sa Visayas at Mindanao

Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng designated bus lanes tulad ng EDSA Carousel sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tulad sa Commonwealth Avenue at iba pang malalaking syudad sa Visayas at Mindanao.

Sa confirmation hearing ng Commission on Appointments (CA), naitanong ni Senator Risa Hontiveros kay Transportation Secretary Jaime Bautista kung bakit sa EDSA lang mayroong dedicated bus lane.

Tugon ni Bautista, dahil naging maganda ang resulta ng EDSA Carousel ay pinag-uusapan na ng road sector ang posibilidad na magkaroon ng dedicated bus lanes sa mga major thoroughfares sa Commonwealth gayundin sa iba pang major cities sa Cebu, Davao at Cagayan de Oro.


Layon aniya na mabigyan ng mabilis na transportasyon ang mga kababayan tulad na lamang sa EDSA Carousel na mula North Avenue hanggang Ayala ay tatagal na lang ng 30 minuto ang byahe.

Ikinalugod ni Hontiveros ang pahayag ni Bautista at inirekomenda sa kalihim na gayahin at i-apply sa bansa ang modelo ng 388 kilometro designated bus lanes sa Jakarta, Indonesia.

Facebook Comments