DOTr: Provincial buses, kailangan munang kumuha ng clearance mula sa mga LGU

Nire-require ang mga provincial bus na kumuha ng approval mula sa mga Local Government Units (LGU) bago sila payagang magbalik operasyon.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Road Sector Senior Consultant, Engineer Bert Suansing, kapag walang clearance mula sa mga LGU, mananatiling suspendido ang operasyon ng provincial buses.

Ang clearance application ay iko-coordinate sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Sa ilalim ng second phase ng public transport revival, ang mga provincial bus ay inaasahang bibiyahe sa June 22.

Una nang ipinatupad ng DOTr ang unang phase kung saan pinayagan nang bumiyahe ang mga tren, bus augmentation, taxi, Transport Network Vehicle Services (TNVS), shuttle services, point-to-point buses, at bisikleta.

Ang iba pang uri ng pampublikong transportasyon tulad ng public utility buses, modern jeepneys, at UV express ay inaasahang babalik sa second phase mula June 22 hanggang 30.

Facebook Comments