
Bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasaherong magsisiuwian ngayong darating na holiday season, ininspeksyon ng Department of Transportation (DOTR) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kasunod ito sa derektiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tiyaking handa ang lahat ng paliparan, terminals, at pantalan sa nalalapit na holiday rush.
Ayon kay acting Transportation Secreraty Giovanni Lopez upang mapabilis at maging convenient ang buong travel experience ng mga pasahero sa NAIA ay kanilang sinusulong ang digitalization sa naturang airport.
Mabilis at convenient na ang pag check-in ng mga bagahe dahil sa self-check-in at bag drop counters.
Samantala, inaasahan naman na mas mabilis at mababawasan na ang pila sa immigration processing sa arrival area ng mga pasahero at Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa bagong e-gates sa tulong ng facial recognition at passport scanning features.
Sa ngayon ay operational na ang mga self check-in at bag drop counters.
Habang inaasahan namang mailu-lunsad ang PRS e-gates at border control e-gates sa ikalawang linggo ng Disyembre.









